Advertisers
Dead on the spot ang dalawang katao kabilang ang isang babae nang pagbabarilin ng rider sa Northville 4 B Brgy, Lambakin sa bayan ng Marilao Martes ng gabi.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen.Jean S.Fajardo kinilala ang napatay na si Edwin Pallada y Buenaobra, nasa hustong gulang umanoy tulak ng illegal na droga, at isang babae na nasa edad 20 hanggang 25 anyos kapwa residente sa nabangit na lugar.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad ganap na 1:30 ng gabi Abril 8 2025 nang mangyari ang pamamaril sa mga biktima.
Nabatid na isang lalaki, na nakasuot ng isang kulay itim na long sleeves, itim na facemask, gamit ang kulay itim na Mio motorcycle, na armado ng caliber .45 na baril.
Ayon sa mga pulis halos limang metro na lamang ang layo ng mga biktima mula sa inuupahan nilang bahay ng bigla na lamang mamaril ang suspek.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 38 plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang cal.45 na baril mula sa biktima.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung sino at ano ang motibo ng pamamaril sa mga biktima.(Thony D. Arcenal)