Advertisers

Advertisers

MAYORAL CANDIDATE KERWIN ESPINOSA, BINARIL HABANG NANGANGAMPANYA

0 28

Advertisers

Binaril ang self-confessed drug lord at Albuera, Leyte, mayoral aspirant na si Rolan “Kerwin” Espinosa habang nangangampanya nitong Huwebes, Abril 10, ayon sa Philippine National Police (PNP) Leyte.

Ayon sa ulat, binaril si Espinosa 4:30 ng hapon habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an.

Maliban kay Espinosa, na-damay umano ang isa pang bata na dumalo sa naturang aktibidad.



Base sa inisyal na impormasyon, nakaupo umano si Kerwin na naghihintay ng oras para mag-speech, ng isang ‘di nakilalang lalaki na umano’y nagtago sa kisame ng stage ang bumaril sa biktima.

Sa report, agad na dinala sa ospital si Espinosa at ang bata ngunit hindi pa malinaw kung ano ang kasalukuyang kondisyon ng mga ito.

Si Carl Kevin Batistis, kandidato sa pagka-konsehal na tumatakbo sa ilalim ng Bando Espinosa-Pundok Kausaban (BE-PK) political party, ang nagbalita sa Facebook page nito, Huwebes ng hapon.

Matatandaang si Kerwin ay self confessed drug lord na nagdiin kay dating Sen. Leila de Lima sa drug related case, ngunit kalaunan binawi ang testimonya.

Matatandaang napatay ang ama ni Kerwin na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Baybay City Provincial Jail, matapos umanong manlaban.



Naging kontrobersyal ang naturang kaso at naalis ang mga otoridad na nakatalaga sa piitan nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng salarin.