Advertisers

Advertisers

P4.7m shabu nasamsam sa 4 tulak sa Cavite

0 18

Advertisers

Naareto ang apat na suspek sa droga na tinaguriang high-value target sa isinagawang entrapment operation na ikinasa sa isang open parking lot ng isang gusali sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina sina alias Kumar, 34, lalaki, may-asawa, walang trabaho; alias Samiha, 33, babae, may-asawa, parehong residente Park Avenue, Pasay City; alias Aisah, 21, dalaga, factory worker; at alias Alaisah, 19, dalaga, parehong nakatira sa Liano Road, Caloocan City.

Sa ulat, naareto ang mga suspek nitong Abril 12, 2025 sa ganap na 4:30 ng hapon, ng pinagsamang operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Cavite Maritime Police Station.



Abot ng 700 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek na may halagang P4,700,000.00 at buy-bust money. Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek na ngayon nasa kostodiya ng PDEA RO-4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.(Koi Laura)