Advertisers

Advertisers

7 pulis sa pagbaril kay Espinosa kinasuhan na

0 26

Advertisers

Sinampahan na kaso ang pitong pulis na itinuturing na “person of interest” sa pamamaril at pagkakasugat sa self confesses at kandidato aka Mayor na si Roland “Kerwin” Espinosa at 2 pa iba habang nagsasagawa ng polical rally sa Albuera, Leyte nito nakaraan linggo.



Ayon kay Col. Randolf Tuano, Chief ng PNP Public Information Office, ang 7 pulis na kinabibilangan ng 2 opisyal at 2 non commission officer ang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at BP 881 or Omnibus Election Code of the Philippines.

Sa kasalukuyan ang nasabing 7 pulis, under restrictive custody sa PRO 8 Headquarters under sa Camp Commander.

Sinabi ni Tunaano na sinampahan ang 7 mga pulis ng kasong paglabag sa ng RA 10591 nang makuhan ng .9mm na 3, .45 caliber na 2 at 5.56 rifle ‘yung armalite na tinatawag. Sinubmit ito sa Forensic Group ng Region 8 para firearms identification at ballistics examination

Kaungay nito, sinabi ni Tuano na nag-negatibo sa isinagawang paraffin examination ang mga nasabing pulis

“May nakuha na result sa paraffin examination. Sinasabi ni Gen. Cumigad na hindi naman maging conclusive talaga kung magpositive or hindi siya. Puwede siyang pumasok sa circumstantial evidence na puwede natin palakasin magmula doon idugtong dugtong natin ‘yung paghahanap pa ng mga ebidensya,” pahayag ni Tuano.

Samantala sinabi ni Tuano na 3 sa 4 na sasakyan ang iniwan sa loob ng compound habang hindi pa umano o lumalabas ang search warrant para maging legal ang gagawin paghalughog sa mga posilbeng laman nitong mga gamit at sa pagkuha ng ga forensic evidence.

Isinaad ni Tuano na according kay RD BGen Jay Cumigad itong tao na may-ari ng compound ay kaibigan ng isa pang kilalang Congressman sa lugar at huwag muna banggitin habang patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng PRO8. (Mark Obleada)