Advertisers

Advertisers

Campaign Music Video Ni Alex Gonzaga Para Sa USWAG ILONGGO PARTY-LIST Malakas Makahikayat Ng Botante; Super Mahra Tamondong, Mas Matalino At May Puso Kaysa Mga Kalaban Sa Election

0 12

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

KAPAPALABAS pa lang ng campaign Music Video ni Alex Gonzaga para sa programa o proyekto ng ine-endorsong party-list na USWAG ILONGGO ay almost 100K views (still counting) na ito sa official Facebook Page ng said partylist. Ang bongga kasi ng jingle nito na very catchy at sing and dance pa si Alex sa MV with her back-up dancers with matching Ati-Atihan pa.

Sa totoo lang, ang lakas ng dating at makahikayat ng mga botante ang nasabang campaign Music Video na panawagan ni Alex ay suportahan ang Uswag Ilonggo ni Cong. Jojo Ang na magiging dagdag boses sa kongreso.



Hindi naman kasi matatawaran ang serbisyo ni Cong. Jojo, mula noon hanggang ngayon sa mga Ilonggo at buong Western Visayas at iba pang panig ng Pinas. At lahat ng mga magaganda at kapaki-pakinabang na mga proyekto tulad ng agrikultura na lalo pang pauunlarin, imprastraktura at turismo ay mas paaangatin at prayoridad para edukasyon at pangkalusugan para sa lahat na libo-libo na ang kanilang nabigyan at naserbisyuhan. Gayundin ang tulong pinansyal sa mga kapuspalad na kababayan na umabot na sa halos 50,000 families ang kanilang natulungan. Mas madadagdagan pa ang proyektong ito ni Cong. Jojo sa patuloy na paninilbihan nito bilang Representative ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST sa Kongreso mula nang manalo sila noong 2022.

Si Cong. Jojo ay tubong Pavia, Iloilo at naglingkod siya mula pa noong 2022 hanggang taong kasalukuyan. At ngayon nga ay tumatakbo uli sa 2015 Midterm local and national election. Sa suporta ng mga kapwa Ilonggo at buong Western Visayas at syempre ng top vlogger and actress-comedienne and singer nilang endorser na si Alex ay parating kasama o pasok sa Top 10 Partylist Surveys ang USWAG ILONGGO na number 156 sa balota. Ang inyong mga boto ay magiging dagdag boses ng Uswag Ilonggo Party-list sa Kongreso.

***

SA isinagawang Halalan 2025, Biyaheng City Hall hosted by Zen Hernandez and Alvin Echico, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tumatakbong Alkalde ng Maynila ngayong 2025 midterm election na mailahad ang kanilang mga plataporma at masagot ang mga isyu at matagal nang problema sa Maynila na madalas ireklamo ng Manilenos. Sa Part 2 nito ay tapatan sina Super Mahra Tamondong at Sam Versoza. Unang ibinato sa kanila nina Zen at Alvin ay ano ang kanilang gagawin sa mga vendor sa Maynila sakaling palaring manalong Mayor? Mabilis ang naging tugon ni Super Mahra na mula pagkabata ay na-witness na ang madalas na panghuhuli ng mga pulis sa vendors, na wala sa tamang pwesto. Nais ni Super Mahra na mabigyan sila ng lugar na talagang regular nang pupwestohan na hindi na kakaba-kaba na hulihin ng pulis. Sa usaping traffic naman, dapat daw ay magkaroon muna ng displina ang mga nagmamaneho sa kalsada nang hindi sila maging abala sa trapiko. At magkaroon ng sarili nilang terminal ang bawat public transportation. Nang mapag-usapan naman ang isyu sa mga informal settlers lalo na sa Baseco Compound sa may Port Area, Manila at San Andres Bukid na dikit-dikit talaga ang mga bahay. Bibigyang solusyon ito ni Super Mahra sa pamamagitan ng pagbibigay o kaloob niya ng titulo ng lupa ng maging pag-aari na ng bawat residente ang kinatitirikan nilang bahay.

And lastly, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang serbisyong medikal na marami ang namamatay sa kakulangan ng mga makabagong medical equipment at kulang sa doctor. Ito raw ang isa sa tututukan ni Super Mahra na malaki ang concern lalong-lalo na sa ating mga elders o lola at lolo.



“Bibigyan ko nang tamang pondo ang health and care project. Na dapat magkaroon ng Citi Scan sa lahat ng pampublikong hospital, maayos na medical services, dapat magdagdag ng doctor at libreng gamot. Dapat maraming ambulansya,” sey pa ng magandang kandidata sa pagka alkalde. Dagdag pa nito, gusto niyang magkaroon ng health center ang bawat barangay para mabigyan ng serbisyong medikal ang lahat ng mga residente rito.

Mapapanood niyo ang interbiyung ito nina Zen at Alvin kay Super Mahra Tamondong at iba pang mayoral candidates sa ABS-CBN NEWS YOUTUBE CHANNEL. Sa nasabing Tapatan nila ni SV ay nakita ang katalinuhan at pagiging totoong tao ni Super Mahra. At ramdam mo na may puso siya sa mahihirap kumpara sa kanyang mga kalaban sa eleksyon. Tinaguriang Hero ng mga Manilenyo si Super Mahra na Diva ang dating dahil artistahin at mahusay itong singer. Favorite nitong kantahin ay ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” na alay niya sa mga lola at lola. Tandaan ang official number nito sa Balota ay numero 9.