Advertisers

Advertisers

DAAN SA KAPAYAPAAN

0 14

Advertisers

NAGSAMA-SAMA ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng Samar, 801st Infantry Brigade at Samar Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict, upang magdeluver ng mga government services sa mga nagnanais ng pagbabago sa nasabing probinsiya.

Isa na rito ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Caravan kung saan 51 mga dating rebelde ang nalinis muli ang kanilang mga pangalan ng magbalik-loob sa pamahalaan at nabigyan pa ng kanilang mga national ID.

Kabilang rito ang 3 paper-based IDs at isang digital ID, bawat isa ay simbolo ng kanilang paghakbang para muling makapamuhay ng maayos at mapabilang sa tamang lipunan.



Ang pagkakaroon nila ng tatlong Transaction Reference Numbers (TRNs) ang kanilang pag-asa na mabago ang sitwasyon ng kanilang mga buhay kabilang na ang Civil Registration Service sa pamamagitan ng Birth Registration Assistance Project (BRAP).

Ang inisiyatibang ito, ang nagtatampok sa pangako ng pamahalaan kasama ang iba pang mga partners, na nagnanais ng kapayapaan at kaunlaran. to promote peace and sustainable development. Pinahahalagahan nila na bawat dating mga rebelde ay kilalanin bilang indibidwal na nais magkaroon muli ng tamang pamumuhay.



“This caravan is a testament to our collective efforts to achieve long-term peace in Samar. By providing necessary services to former rebels, we are strengthening their trust in the government and paving the way for inclusive development,” ang sabi ni Brig. Gen. Lenart R. Lelina, ng Philippine Army.

Ang E-CLIP Caravan ay bahagi ng isang hangarin na naglalayong makapagbigay ng suporta at ano mang pangangailangan ng isang indibidwal na nais akapin ang kapayapaan oara na rin sa kanilang sariling kapakanan at kaunlaran sa kinabukasan.



Hindi ba maganadang hakbang ito ng pamahalaan, para mawala na ang mga umaangal dahil sa kahirapan daw. Humahawak ng armas dahil naloko ng mga kasamahan na nanghikayat, gamit ang walang patutunguhang paniniwala na kaguluhan ang solusyon sa mga problema ng bansa.

Malaking kalokohan di ba mga kasangga ko. Walang ibang daan tungonsa kapayapaan o’ katahimikan kung di ang pagkakaisa. Siguradong kaunlaran ang kasunod niyan.