Advertisers

Advertisers

15 nasawi sa lunod sa semana santa

0 11

Advertisers

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na may 18 kaso ng pagkalunod mula Abril 13 hanggang 18, 2025, kung saan 15 ang nasawi.

Kabilang sa mga biktima ang siyam na matatanda at siyam na menor de edad.



Naitala sa Region 1 ang dalawang kaso ng mga menor de edad na parehong namatay, habang sa Region 2, may mga insidente ng isang menor de edad at isang matanda na parehong nasugatan.

Sa Region 3, apat na adulto ang nasangkot, kung saan tatlo ang namatay at isa ang nakaligtas.

Sa Region 4A, apat na insidente ng pagkalunod ang naitala, kung saan dalawang menor de edad at dalawang matanda ang namatay. Naitala sa Region 4B ang pagkamatay ng isang menor de edad, habang sa Region 5, tatlong katao ang nasawi—dalawang menor de edad at isang matanda.

Isang namatay mula sa Region 6 at isa mula sa Cordillera Administrative Region, isang menor de edad at isang matanda, ayon sa ulat.

Samantala, nagbabala ang PAGASA na posibleng umabot sa 42–45°C ang heat index sa 28 lugar ngayong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20, kabilang ang Metro Manila at Pangasinan.

Pinapayuhan ang publiko na umiwas sa matinding init sa tanghali at mag-ingat upang maiwasan ang heat stroke at iba pang sakit dulot ng matinding init.