Advertisers

Advertisers

Truck inararo 6 sasakyan: 2 patay. 14 grabe

0 8

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao at 14 ang sugatan nang araruhin ng 10-wheeler delivery truck ang anim na sasakyan sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Lolita, 76-anyos na pasahero ng pickup truck; at Rene, 50-anyos na tricycle dispatcher.

Ayon sa Dumalinao Municipal Information Office, nangyari ang insidente nitong Abril 19 sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pag-asa.



Minamaneho ni Ricky Miguel Guerrero, 29, ang truck na patungo sana sa Pagadian City nang biglang nagkaaberya ang preno ng sasakyan.

Nawalan ng kontrol si Guerrero at bumangga ang truck sa anim na iba pang sasakyan.
Kabilang dito ang pickup truck, mini van, truck, motorsiklo, at dalawang traysikel.

Sa report, kusang-loob na sumuko si Guerrero sa mga awtoridad.