Advertisers

Advertisers

‘Taksil’ na misis ginilitan ni mister

0 21

Advertisers

Mistulang manok na ginilitan sa leeg ang isang misis ng kanyang mister dahil sa matinding selos, sa Talisay City.

Hindi na umabot ng buhay nang dumating sa ospital ang biktimang kinilala sa pangalan Ana, 30, habang nadakip ang salarin at mister nitong si Roston, 38, kapwa nakatira sa T. Padilla, Cebu.

Sa report ng Talisay Municipal Police Station, 5:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa kalsadang sakop ng Washington St., Barangay Poblacion, Talisay City.



Ayon sa saksing si kay Jeffrey Villoria, 42, bago ang krimen nakita niya ang dalawang naligo sa dagat at nag-iinuman.

Makalipas ang ilang minuto, umahon na sa tubig ang dalawa at habang naglalakad nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito.

Dito, bigla na lamang nilaslas ni Roston ang leeg ng biktima dahilan para duguan itong bumagsak sa lupa.

Humingi naman ng tulong sa mga residente si Villoria at hinarang nila si Roston na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Isinugod naman sa ospital ang biktima subali’t idineklara na rin itong patay ng umasisteng doktor.



Sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Roston na may kabit ang kanyang misis kaya niya ito nagawang patayin.

Nahaharap ngayon sa kasong murder si Roston.