Advertisers

Advertisers

Sundalo patay sa bangga

0 4

Advertisers

Hindi na umabot sa buhay sa ospital ang isang miyembro ng Philippine Army nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo at nabangga ang ulo ng kasalubong sa Isuzu Elf Van sa Maharlika highway na sakop ng Barangay Sta. Maria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Cpl. Ariel, 31, at residente ng Barangay San Roque Ilaya, Calauag Quezon.
Nasa kustodya ng pulisya ang driver ng sasakyang na-kabangga sa biktima na si Gerardo, 62, ng Mercedes Cakarine Norte.

Base sa imbestigasyon, 3:00 ng madaling araw minamaneho ng biktima ang isang Kawasaki GT motorcycle sa kahabaan ng Maharlika highway nang mawalan ito ng kontrol na naging sanhi upang sumemplang at tumilapon sa ilalim ng kasalubong sa Manila bound Isuzu Elf Reefer Van na minamaneho ng suspek.



Dahil walang suot na helmet nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima nang mabangga.