Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na mismong ang Office of the President (OP) at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sumagot sa hospital bill ni National Artist Nora Aunor at hindi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Paliwanag ni Presidential Communications Office (PCO) Senior Undersecretary Ana Puod, ito’y sa ilalim na rin ng hospitalization benefits para sa mga National Artists.
Ayon kay Puod, personal na binayaran ni PBBM ang iba pang mga gastusin ni Aunor sa ospital, pati na rin ang iba pang mga utang at personal na gastos o bayarin ng yumaong aktres.
Bagama’t narinig aniya ni Sec. Jay Ruiz sa ospital na umabot sa P1.8 milyon ang halaga ng hospital bill, hindi aniya magbibigay ng karagdagan pang detalye ang Palasyo ukol sa breakdown ng binayarang halaga. (Gilbert Perdez)