Advertisers

Advertisers

Permanente, malinis, at ligtas na evacuation centers isinusulong ni Sen. Bong Go

0 16

Advertisers

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagkakaroo ng dedicated evacuation centers lalo na sa mga disaster-prone areas.

Sa motorcade sa Cainta, Rizal sinabi ni Go na mahalagang matiyak ang pagkakaroon ng infrastructure projects na pakikinabangan ng publiko sa panahon ng krisis.

Una nang igniit ni Go ang kahalagahan ng long-term solutions para matugunan ang problema sa mga flood-prone areas sa bansa



Ayon kay Go, dapat ay mayroong accountability, transparency, at gawing prayoridad ang mga flood control projects na makatutulong sa mga komunidad na madalas maapektuhan ng pagbaha.

Si Go ay siyang principal authory at xo-sponsor ng Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act na nagtatakda ng pagkakaroon ng permanente, malinis, at ligtas na evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.

Mahalaga ito ayon kay Go lalo na sa mga bahaing lugar gaya ng Cainta, Taytay, at Marikina City.

“Ako po ang principal author at co-sponsor ng evacuation center. Tuwing nagkakabaha, dapat po meron tayong maayos, malinis. Halimbawa dito sa Cainta, Taytay, Marikina, prone tayo sa baha dito,” paliwanag ng Senador.

Ang mga itatayo aniyang center ay dapat komportable at may maayos na pahingahan.



SinGi ay naghain din ng Senate Bill No. 192 na naglalarong magsulong ng Rental Housing Subsidy Program para matukungan ang mga nabibiktima ng kalamidad na magkaroon ng pansamantalang matitirahan.

Inihain din ni Go ang SBN 188 o ang Department of Disaster Resilience (DDR) Act na layong magkaroon ng ahensyang tututok sa national disaster preparedness at response capabilities ng bansa.