Advertisers
NASA 64% ng mga Pilipino ang naniniwalang may mga problemang umiiral sa demokrasya sa Pilipinas.
Ito ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumalabas na 37% sa mga Pilipino ang naniniwalang mayroong “major problems” Sa demokrasya habang 27% naman ang nagsasabing mayroong “minor problem” dito.
Kaugnay ng nasabing survey, kinumpirma ni Ateneo School of Government Dean Philip Arnold Tuaño na 67% sa mga Pilipino ang naniniwalang kurapsyon at fake news o disinformation ang pinakapinag-uugatan ng problema sa demokrasya.
Dagdag pa rito, ang iba pang isyung may kaugnayan sa problema sa de-mokrasya ay ang burukrasya (22%), nepotismo (21%), kawalan ng kredibilidad ng mga institusyon (18%), red tape (10%), kawalan ng transparency (10%), kawalan ng pagpapahalaga sa karapatang pantao (5%), at kawalan ng partisipasyon sa paggawa ng desisyon (1%).