Advertisers

Advertisers

Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy, kinuwestiyon sa P330M cash advance

0 6

Advertisers

NAHAHARAP sa “hot water” si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo ng pagwawaldas ng pondo ng lokal na pamahalaan na aabot sa P330 million sa pamamagitan ng mga ginawa umanong cash advances.

Sa isang press conference sa Cagayan de Oro City ibinunyag ni Teddy Sabuga-a, siyam na taong nagsilbi bilang dating City Administrator ng Cagayan de Oro na ang “massive cash advances” na ginawa ni Uy ay sa pagitan ng taong 2022 hanggang unang buwan ng taong 2025.

“If you review the matrix of cash advances by date, you”ll notice a pattern– significant amounts were drawn in September 2023, conspicuosly timed around the barangay elections”pahayag ni Sabuga-a kung saan isang matrix ng mga cash advances ang ipinakita nito sa isinagawang press conference.



Sinabi ni Sabuga-a na nakababahala ang serye ng cash advance sa loob ng City Hall dahil nagpapakita ito ng maling paggamit ng pondo ng LGU, mahinang pamamalakad at paglabag sa procurement laws.

“The records show repeated high-value transactions concentrated among a small group of personnel, with some individuals receiving over 20 separate cash advances. One person alone was given P71.7 million.

Batay sa offcial documents na inilabas ni Sabuga-a, ang bulto na nakatanggap ng disbursements na P25 million hanggang P71 million ay tinukoy na sina Cyril Ranile,Jade Adeser, Xsyclyn Faith Lumbatan, Jasmin Maagad, Rhapsody Gaabucayaan, Mark Kenneth Jalapadan, Remy Labiano at Sheila Lumbatan.

“This is highly irregular. The cash advcance systems is meant for urgent, specific needs– notfor repeatred multi-million peso disbursements concentrated among a few individuals” giit pa ni Sabuga-a.

Ilan pa sa nadiskubre ay ilang indibidwal ang nakatanggap ng cash advances ng 20 beses, mayroon tseke na P20 million at P26 million cash advances na isang araw lamang ini-withdraw at ang pondo kung saan sinasabing pinaglaananan ng disbursement ay pawang kuwestiyunable.



Alinsunod sa COA Circular No 97002 at Republic Act 9184 (Procurement Law) ay ipinagbabawal ang palagiang paggamit ng cash advances at kailangan ang agaran nitong pag-liquidate.

Umapela naman ang ilang opisyal ng LGU at ilang watchdog groups sa Commission on Audit (COA) na rebyuhin ang liquidation reports gayundin ang pagsusulong ng kasong administratibo at kriminal laban sa alkalde.

“Every peso entrusted to public officials must be accounted for. The people of Cagayan de Oro deserve full transparenct and accountability” dagdag pa ni Sabuga-a.

Inihahanda na ang reklamo laban kay Uy sa Office of the Ombudsman.