Advertisers

Advertisers

Ex-mayor/mediaman pinatay sa loob ng bahay

0 7

Advertisers

Pinagbabaril-patay ang beteranong mamamahayag at dating alkalde ng Kalibo sa loob ng kanyang bahay sa Casa Dayang, Villa Salvacion, Kalibo, Aklan 8:00 ng gabi nitong Martes, Abril 29, 2025.

Kinilala ang biktima na si Juan P. Dayang, 89.



Ayon sa ulat, nanonood ang biktima ng telebisyon nang barilin ng lalaking naka-bonnet mula sa labas ng kanyang tirahan.

Tinamaan si Dayang sa leeg at likod, at idineklarang dead on arrival sa Dr. Rafael S. Tumbocon Memorial Hospital.

Itinuturing si Dayang na haligi ng pamamahayag sa bansa.

Mahigit dalawang dekadang naging pangulo ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) at namuno sa iba’t-ibang organisasyon ng mamamahayag. Nagsilbi rin itong alkalde ng Kalibo noong administrasyon ni Pangulong Cory Aquino.

Kasalukuyang Secretary ng Catholic Mass Media Awards si Dayang bago siya paslangin.



Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, at kasalukuyang sinusuri ang CCTV. Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo. Wala pang malinaw na motibo.

Mariing kinondena ni PAPI President Nelson S. Santos ang pamamaslang.

Hinimok din ni Santos ang Presidential Task Force on Media Security na kumilos agad para mahuli ang mga responsable.

Samantala, mariing kinondena ng Presidential Task Force On Media Security (PTFOMS) ang pagpatay sa batikang journalist.

Sa inilabas na pahayag ni USec. Jose Torres Jr., Executive Director ng PTFOMS, nakiisa ito sa pagdadalamhati ng media community, naulilang pamilya at mga mahal sa buhay ni Dayang na itinuturing na isa sa haligi ng pamamahayag sa Pilipinas.

Maging ang National Press Club of the Philippines (NPC) marring kinondena ang pagpaslang kay

Dayang.

Nanawagan naman ang pamunuan ng NPC sa

Presidential Task Force on Media Security at iba pang kinauukulan na magsagawa ng masusing imbestigasyon at papanagutin ang nasa likod ng pagpaslang sa beteranong journalist.(Jocelyn Domenden)