Advertisers
Sinuspinde ng Land Transportation franchising and regulatory board ang moto taxi na Move It.
Ayon sa inilabas na kautusan ng nasabing ahensya, ito ay bunsod ng panibagong paglabag ng move it hinggil sa dami ng mga riders nito.
Paliwanag ng ltfrb bagamat pasok ang 14k current riders ng move it sa 15k cap na inilatag ng technical working group sa bawat moto taxi company, hinfi naman isinasama sa bilang ng move it ang mga reports hinggil sa mga reactivation at deactivations ng mga riders nito.
Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration (MR) o apela ang ride hailing at motorcycle taxi company na Move-It
Pero kasabay nito ay mistulang nagbanta ng protesta ang grupo dahil kung hindi daw sila mapapagbigyan sa kanilang apela ay mapipilitan silang dalhin sa kalsada ang kanilang hiling.
Matatandaang hindi lang ito ang unang beses na nakaladkad sa eskandalo ang motor taxi na move it.
Una nang kinondena ang move it ng publiko dahil sa samu’t saring aksidente na kinakasangkutan nito, gayundin ang magaspang na ugali ng mga ridets nito sa kalsada kung saan pawang mga nag viral pa sa social media ang mga videos ng mga ito.