Advertisers

Advertisers

NAIA personnel bawal nang hawakan ang mga pasaporte ng pasahero

0 4

Advertisers

PAGBABAWALAN na ang mga Airport Security personnels na hawakan ang passports ng mga pasaherong papasok ng terminal airlines.

Pahayag ito mismo ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport matapos ang insidente ng “punit passport” na naitala kamakailan lamang.

Bunsod nito, aasahan ng mga pasahero ang mas pinaigting na seguridad kung saan ipapakita na lamang sa checking at verification ang passport, na hawak mismo ng may-ari.



Matatandaang nitong Abril 15 ay may isang pasaherong hindi napahintulutang lumipad patungong Bali, Indonesia dahil sa maliit na punit na nakita sa kanyang passport.

Nagpaalala naman ang Department of Transportation (DOTr)sa mga pasahero na tiyakin ang validity at kondisyon ng kanilang mga pasaporte bago bumiyahe.