Advertisers

Advertisers

10 CIDG-pulis sibak sa kotong at kidnapping

0 8

Advertisers

Ini-relieved sa puwesto ni MGen Nicolos Torre III Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 10 miyembro ng ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Southern Metro Manila District Field Unit sa kasong extortion at kidnapping.



Ipinag-utos ni Torre na ikulong ang 10 mga pulis sa PNP Custodial Facilities nang ilabas ang report ng PNP- Integrated Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ng rekomendasyon ng paghaharap ng kasong kasaong Administrative na Grave Misconduct, Conduct Unbecoming of a Police Officer, and Neglect of Duty under NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2016-002 in relation to violations of Section 1 of RA 1084 (Kidnapping and Serious Illegal Detention), Section 38 of RA 10591 (Planting of Evidence) and Article 269 (Unlawful Arrest) of the Revised Penal Code.

Base sa investigasyon, sinabi ni Torre na sinalakay ng mga nasabing operatiba ang isang warehouse sa Tondo Complex Tondo, Manila noong April 17,2025.

Dinala ang mga inaresto sa CIDG=SDFU Office sa Lawton Avenue, Taguig sa kasong paglabag sa Firearms law. At naghingi ng pera ang mga nasabing operatiba kapalit ng pagpapalaya sa mga nasabing inaresto.

Nang matanggap ni Torre ang nasabing report agad nito ipinag-utos ang pag-relieved sa nasabing 10 CIDG personnel at pagdis-armahan ng kanilang service fireamars, badge at pagtatala sa PHAB ARMD Headquarter CIDG.

Isinailalim ang nasabing 10 mga pulis sa restriction at pansamanatala ikinulong sa PNP Cutodial Facility habang isinasagawa ang pagdinig sa nasabing kasong.

“Hindi ko papayagan at ito-tolerate ang mga ganitong pangyayari sa CIDG. Bahagi ito ng pagsunod at pagsuporta sa programa ng ating Chief PNP Gen. Rommel Francisco D. Marbil, na zero tolerance sa ganitong mga gawain. Sadyang nakakalungkot lamang na makakita ng ganitong mga pagkakataon kung saan ang ilan sa ating mga tauhan naliligaw pa rin ng landas,” pahayag ni Torre.

Sinabi ni Torre na magsibling ito babala sa lahat ng mga miyembro ng CIDG na hindi niya kukunsintihin ang mga gumagawa ng mga iligal na aktibidades (Mark Obleada)