Advertisers

Advertisers

575 may HIV-AIDs sa Bulacan

0 2

Advertisers

Pumalo na sa 575 ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus o (HIV) na naitala sa lalawigan ng Bulacan mula Enero hanggang Disyembre ng 2024.

Base sa tala ng Bulacan Provincial Public Health, nangunguna ang Bulacan sa buong Central Luzon na may mataas na bilang ng sakit na HIV-AIDs.

Ayon kay Provincial HIV Program Coordinator Annie M Balinguit mula 1984 hanggang sa kasalukuyang umabot na sa 5,136 ang naitalang kaso ng HIV-AIDs sa lalawigan.



Aniya isa sa dahilan pagataas ng bilang ang 90 units ng HIV Testing Facilities at 10 units ng Treatments facilities sa probinsya.

Kabilang dito ang “Luntiang Silong”sa Bulacan Medical Center, Embrace Ace sa Baliwag City, Rural Health Unit -1,na Gintong Kanlungan sa bayan ng Guiguinto, RHU-1 na Kanarayong Silungan sa bayan ng Marilao

City Health Clinic-7 na Home of Bamboo sa lungsod ng Meycauayan,

CHC- 2/4 na Villa Esperansa /Qulimed ng City of San Jose del Monte,

Green Clinic R De Jesus sa bayan ng Sta. Maria, Republica sa Bulakan.Bulacan at Bahay ni Lucas, sa bayan ng Bustos.



Base sa datus, may 3 kaso ng HIV na nasa edad 15 anyos pababa, nakapagtala ng 184 na nasa edad 15-24 anyos, habang 256 naman ang tinamaan ng HIV na nasa edad 25 hanggang 34 anyos, at 112 mula sa edad 35 hanggang 49 anyos, habang 20 naman ang nasa edad 50 pataas.

Sa naturang bilang umabot na rin sa 80 ang naitalang nasawi sa nakamamatay na sakit.

Lumitaw rin sa pag-aaral ng mga pasilidad na ang pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki ang may pinakamataas na bilang na tinamaan ng HIV -AIDs,na may bilang na 434, habang 59 sa maagang pakikipagtalik ng lalaki at babae na nasa edad 15 pababa.

Habang sa Adult na pagtatalik ng lalaki sa babae, nasa 70 ang apektado ng HIV sa mother to child may 2 kaso

Samantala patuloy naman ang patuloy naman ang libreng HIV 101 lectures at HIV Test sa mga eskwelahan at Community Outreach ng probinsya.(Thony D. Arcenal)