Advertisers

Advertisers

Bahay ng solon ginagamit din sa ‘vote-buying’ – barangay captains

0 6

Advertisers

IBINULGAR ng dalawang barangay captain na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco na ginagamit din umano ang bahay ng mambabatas bilang lugar para sa “vote buying” na itinatago bilang “payout”.

Ayon kina Henry Olid at Shirly Lagradante, kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, na nakatanggap sila ng impormasyon na ginagawa rin sa mismong bahay ni Haresco ang pamimigay ng pera para sa pagbili ng boto.

“May natanggap tayong impormasyon na may ginagawa ring vote buying sa bahay mismo ni Haresco. Hindi lang natin ito makumpirma dahil bantay sarado ang bahay kapag ginagawa nila ito,” wika ni Lagradante.



Para maitago ang ginagawang pagbili ng boto bilang pamimigay ng ayuda, nagpapapunta sila ng mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bahay.

“Ganito rin ang nangyari noong nabisto naming ang ginagawa nilang pamimili ng boto sa Barangay Tibiawan. May mga kasama rin silang taga-DSWD para palusot na payout ng financial assistance ang ginagawa at hindi vote buying,” ani Olid.

Sa kanilang petition for disqualification laban kay Haresco, sinabi nina Olid at Lagradante na personal nilang nakita ang staff ng kongresista na si Shiela Puod at ng kanyang asawang si Barangay Kagawad Ronilo Puod sa kanilang bahay na nagpapamigay ng pera kapalit ng boto para kay Haresco.

Nakita rin nila sa bahay ang dalawang DSWD-aRegion VI contract of service worker na kinilalang sina Rhea Latumbo and Pinky Bunda.

Tatlong iba pang testigo ang nagsumite ng kani-kanilang sinumpaang salaysay na nagpapatibay sa pahayag ng mga complainant. Ayon sa kanila, tig-₱2,000 ang ibinigay ng mag-asawang Puod sa mga residente kapalit ng pangakong suporta sa kandidatura ni Haresco.



“The payout was clearly done with the objective of influencing the outcome of the May 2025 elections. The witnesses attested that the recipients were identified based on their expected support for Respondent Haresco,” sabi pa ng petisyon.

Maliban sa mga affidavit, kalakip rin sa reklamo ang mga larawan at video ng insidente ng pamimili ng boto.