Advertisers

Advertisers

Bigtime tulak huli sa P3.5m shabu Caloocan

0 11

Advertisers

Arestado ang isang High Value Individual (HVI) drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kung saan nasamsam ang tinatayang P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ni P/Major Jeraldson Rivera, hepe ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU), sa pakikipag-ugnayan sa Malabon City Police Station SDEU, Caloocan SWAT, Caloocan Police Sub-Station 14, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Bandang alas-2:54 ng madaling araw, matapos matanggap ang signal mula sa poseur-buyer na kumpirmadong positibo ang transaksyon, agad nilusob ng mga operatiba ang isang bahay sa Brgy. 188 at inaresto ang suspek.



Nakuha mula sa suspek ang tinatayang 520 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P3.5 milyon, kasama ang marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inihain sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng NPD, ang dedikasyon at koordinasyon ng mga operatiba ng DDEU at iba pang units na nagtagumpay sa operasyon. (Beth Samson)