Advertisers
MAHIGIT 200 reklamo laban sa umano’y vote-buying, vote-selling at abuse of state resources (ASR) ang natanggap na ng Commission on Elections (Comelec) Committee on Kontra Bigay (CKB) ilang araw bago ang Eleksyon 2025.
Ayon kay Commissioner Ernesto Maceda Jr. chairperson ng CKB, na nakatanggap sila ng kabuuang 271 reklamo hanggang nitong Mayo 1.
Sa nasabing bilang, 169 kaso ang vote-buying at vote-selling at 80 ay kaugnay sa ASR.
Ang mga rehiyon na may pinakamaraming reports ay kabilang ang Calabarzon, Central Luzon, National Capital Region (NCR), Mimaropa at Bicol Region.
Habang ang mga lugar na may pinakamaraming bilang ng reklamo ay Laguna, Marikina City, Rizal, Oriental Mindoro at Bulacan.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng komite na hindi bababa sa 213 national at local candiadtes ang nabigyan ng show-cause order (SCOs) para sa umano’y pagbili ng boto, pagbebenta ng boto at ASR.
Muli namang iginiit ni Maceda Jr, na ang mga kandidatong may mga nakabinbing kaso ay maaari pa ring ma-disqualify o hindi maiproklama.