Advertisers

Advertisers

Kaya nag-iendorso ng kandidatong senador… VP SARA TAGILID SA IMPEACHMENT

0 7

Advertisers

NANINIWALA si Flag-Mabini Member Atty. Antonio Bucoy na nararamdaman na ni Vice President Sara Duterte na tagalid siya sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya sa Senado kung kaya’t kailangan nitong mag-endorso ng mga kumakandidatong senador.

Ayon kay Bucoy, maliwanag na indikasyon ito na wala siyang kasiguruhan na makakaligtas siya sa reklamong impeachment isinampa laban sa kanya.

Tinukoy ni Bucoy na sa pitong article of impeachment ay maari niya itong ilahad sa tatlong kaso o usapin, una ay pagbabanta sa buhay ng Pangulo, Unang ginang at speaker of the house; ikalawa ay ang pag-abuso sa kapangyraihan at public trust at ang ikatlo ay ang malawakang katiwalian, pandarambong at malversation ng kaban ng bayan.



Iginiit ni Bucoy na nakasalalay dito ang kabuhayan ng bawat Piliipno na lubhang naapektuhan.

“There should be economic justice to attain , their must ba an accountability dapat magkaroon ng pananagutan,” giit ni Bucoy sa isang panayam.

Naniniwala si Bucoy na mayroong sapat na ebidensiya ang Kamara upang i-impeach ang ikalawang pangulo.

Hindi rin nagtataka si Bucoy na mayroong isang senador na naghahayag ng pagsuporta sa mga iniindorso ni Duterte na mga kandidato ngunit kanya itong itinuturing na plataporma lamang.

“Dapat ang plataporma yung ikabubuti ng mamamayan at hindi ikabubuti ng tao,” paglilinaw ni Bucoy sa isang panayam.



Nilinaw pa ni Bucoy na hindi rin maaring ikumpara ang mga Marcos sa isyu ng mga korupsyon at katiwalian sa mga Duterte dahil ang mga kaso ng Marcos ay nililitis na at ang iba dito ay pawang mga nabasura na.