Advertisers

Advertisers

PAMILYA KO, Patuloy sa pamamayagpag, Pasok sa Top 15 Partylist ng Octa Research April Survey

0 5

Advertisers

MANILA – Patuloy na lumalakas ang suportang nakukuha ng PAMILYA KO partylist at kinikilala ang bitbit nitong adbokasiyang nagtataguyod sa karapatan ng bawat pamilya.

Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nitong April 2025, nasa rank 12 ang PAMILYA KO Partylist —isang maagang senyales na malaki na ang tyansa na makakuha sila ng ng puwesto sa Kongreso.

Ang mabilis na pag-angat ng grupo ay dala ng kanilang platapormang nakatuon sa isa sa mga nakakalimutang sektor sa lipunan: ang mga hindi tradisyunal na pamilya.



Mula sa mga single parent, blended families, LGBTQIA+ couples, adoptive families, hanggang sa mga lolo at lola na kumakalinga sa mga anak ng OFW, isinusulong ng PAMILYA KO ang mga makasaysayang reporma.
Kabilang sa mga prayoridad nilang panukalang batas: • Pantay-pantay na karapatan sa mana para sa lahat ng anak, anuman ang estado ng kasal ng mga magulang

• Legal na pagkilala sa domestic partnerships, kabilang ang LGBTQIA+ unions
• Isang pambansang balangkas sa surrogacy na nagpoprotekta sa mga magulang at surrogate mothers
• Trauma counseling at mental health support para sa mga hiwalay na pamilya
• Programang pangkabuhayan at karapatan sa guardianship para sa mga lolo’t lolang kumakalinga sa mga anak ng OFW

Ang nagpapalakas sa PAMILYA KO ay ang mga nangunguna at pamunuan nito—mga nominado na mismo ay nagmula sa iba’t ibang anyo ng pamilya, kaya’t may dalang kredibilidad at tunay na karanasan sa kanilang adbokasiya.

“Ang aming plataporma ay nakatayo sa Tunay na Representasyon, May Puso, at May Isang Salita. Totoong bahagi ng lipunan ang mga hindi tradisyunal na pamilya. Panahon na para kilalanin at protektahan sila ng batas,” pahayag ni Atty. Anel Diaz, nominado ng PAMILYA KO Partylist.

Ang aktres na si Sunshine Cruz sa kabilang aniya siya sa sektor ng non-traditional families na nais bigyang boses.



“ako single parent, mag isa ako bunhaybsa 2 anak ko. Napakahira. Karaoatan din natin magkaroon ng boses so kongreso”

Naniniwala rin si Diaz na ang lumalawak na suporta at adbokasiya para sa PAMILYA KO ay senyales ng lumalaking panawagan para sa mas inklusibo at may malasakit na pamahalaan—patunay na sa makabagong Pilipinas, wala dapat maiwang pamilya.