Advertisers

Advertisers

Panibagong malaking grupo ng mga Muslim, inendorso ang reelection candidacy ni Mayor Honey

0 7

Advertisers

ISANG panibagong malaking grupo na binubuo ng mga Muslim communities na naka-base sa Manila ang nag-endorso sa kandidatura ni reelectionist Mayor Honey Lacuna.

Pormal na ipinahayag ng Sultanate of Phangampong a Pilipinas Da’wah Solidarity Inc. ang kanilang suporta para sa lady mayor sa isang pagtitipon para sa nasabing pakay.

Ang organisasyon na binubuo ng 3,000 member-leaders, ay pinuri ang liderato ni Lacuna at ang kanyang mga programa para sa benepisyo ng lahat ng residente. Binigyang papuri ng grupo ang inisyatibo ng lady mayor sa pagbibigay ng pinakamahusay na health care, education at peace and order.



Binanggit din ng mga opisyal ng Sultanate si Lacuna bilang isang lider na ang malasakit ay totoo, ‘di lamang para sa mga residente sa lahat ng sektor kundi maging sa Muslim communities sa Maynila.

“Nakita namin ang tapat at epektibong pamumuno ni Mayor Honey Lacuna. Siya ay isang pinunong may puso para sa serbisyo publiko, at karapat-dapat siyang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan,” pahayag ng kinatawan ng Sultanate na si Sultan Nasser Daud.

Ipinangako din ni Daud Kay Lacuna ang buong suporta ng kanilang organization’s sa adbokasiya at bisyon para sa mas progresibo,payapa at inklusibong lungsod.

Nagpahayag si Lacuna ng kanyang buong-buong pasasalamat sa organisasyon at sinabing ang kanilang endorsement ay inaasahang magreresulta saying their endorsement sa mas malawak na suporta mula sa mga kapatid nating Muslim na magpapalakas pa ng kandidatura ng alkalde lalo’t palapit na ang eleksyon.

“?Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh! Maraming salamat sa inyong mainit na suporta at pagtitiwala sa akin at sa buong Asenso Manileño. Ang inyong suporta ay nagsisilbing inspirasyon at lakas upang lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo at pagtupad sa aming mga pangako para sa mas maunlad, mas inklusibo, at makatarungang Maynila. Makakaasa po kayo na hindi ko kayo bibiguin. Patuloy po tayong magtutulungan para sa ikabubuti ng lahat,” pagtitiyak ni Lacuna.



Nauna rito, Isa pang malaking grupo, ang United Muslim Community sa Maynila na binubuo ng iba’t-ibang grupo ng mga Muslim ay nangako rin ng solidong suporta sa kandidatura ni Lacuna. Ito ay dahil sa kung paano sila inalagaan ng administrasyon ni Lacuna.

Tinanggap nii Lacuna at ng kanyang mga ka-tiket sa pangunguna ni Vice Mayor Yul Servo at third district Congressman Joel Chua ang suporta sa isang jampacked rally na ginawa sa Quiapo, kung saan ang karamihan ng Muslim community members ay naka-base.

Dito, ang mga Muslim leaders ay isa-isang nagpahayag ng kanilang dahilan kung bakit nila susuportahan si Lacuna at ang kanyang buong reasons for supporting Lacuna tiket kabilang sina Councilors Fa Fugoso, Maile Atienza at Atty. Jong Isip gayundin ang mga kandidato sa pagka-Konsehal na sina Jeff Lau at Karen Alibarbar.

“Maraming, maraming maraming salamat sa ating mga kapatid na Muslim, sa inyong muling pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,” pahayag ng alkalde sa pormalisasyon ng commitment ng mga kapatid na Muslim na patuloy na suportahan ang alkalde at Servo. (ANDI GARCIA)