Advertisers

Advertisers

Proteksyon sa mga manggagawang Pinoy at ‘gig workers‘, ipagkaloob – Magsino

0 12

Advertisers

Kinikilala ni #83 OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang manggagawang Pilipino mapaloob o labas man ng bansa, pati ang ating mga manggagawa sa impormal at “gig economy”, sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa nitong Mayo 1.

Aniya “Ipinagpupugay ng #83 OFW Party List ang lahat ng manggagawang Pilipino sa anumang larangan o paraan ng hanapbuhay na araw-araw kumikilos para buhayin ang kani-kanilang mga pamilya at nagtataguyod ng ekonomiya ng Pilipinas”



Gayundin kasabay ng pagpupugay ay ang kanyang panawagan para sa mas malawak na proteksyon, lalo na sa mga manggagawang nasa “gig economy.” Binigyang-diin ni Magsino ang kahalagahan ng pagkilala at pagbibigay-proteksyon sa mga gig workers gaya ng delivery riders, online freelancers, construction freelancers, at iba pang platform-based workers. Aniya, marami sa kanila ang walang access sa SSS, PhilHealth, o mga kontrata na may minimum labor standards.

“Kaya’t hindi na bago sa atin ang gig economy. Marami sa ating kababayan ang umaasa rito para sa kabuhayan pero marami rin sa kanila ang walang mga benepisyo at mga kontratang nagsasaad ng minimum labor standards. Kailangan silang kilalanin bilang lehitimong bahagi ng lakas-paggawa at bigyan ng nararapat na proteksyon,” ani Magsino.

Hinikayat ni #83 Partylist Magsino ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa Labor Code upang maiakma ito sa mga bagong anyo ng paggawa. Iginiit ng mambabatas na kinakailangang maisama sa mga reporma ang mga emerging labor sectors upang hindi sila maiwan sa mga labor standards.

“Ang gig workers ay hindi dapat ituring na disposable labor. Sila ay bahagi ng ating labor force at may karapatang mabuhay nang may seguridad at dignidad,” dagdag ni Magsino. “Hindi pwedeng maiwan ang mga manggagawang nasa informal at non-traditional sectors sa mga benepisyo at karapatan.”

Ayon sa mambabatas, ang paggunita ng Araw ng Manggagawa ay hindi lamang isang pagpupugay, kundi paalalang palakasin ang panawagan para sa makatao at makatarungang mga patakaran na mag-aangat sa kaledad ng empleyo para sa manggagawang Pilipino, sa loob man o labas ng bansa.



“Kailangan tandaan na ang Araw ng mga Manggagawa ay araw din ng paglaban para sa isang lipunang nagpapahalaga sa kontribusyon at kinabukasan ng manggagawang Pilipino, hindi lamang sa mga matatamis na pagbati, kundi sa pangmalalimang sistema at polisiya” pagtatapos ni Magsino.