Advertisers
Pinapurihan ng Government Service Insurance System o GSIS ang photo exhibit
na may temang from desperation to hope na on-going sa GSIS Museum Hanggang Mayo 16.
Ito ay inorganisa ng Press Photographers of the Philippines sa pamumuno ni Edwin Bacadman ,Isang multi awarded photo journalist.
Sinabi ni GSIS Vice President for Corporate Communication Margie Jorillo na napapanahon ang naturang photo exhibit na may temang “Philippines in Climate Crises: From Desperation to Hope” ay kalipunan ng mga larawang kuha ng mga beterano at kinikilalang photo journalists ng bansa sa panahon na dumanas ng trahedya ang mga mamamayan sa mga nagdaang bagyo, lindol at pagbaha.
Ayon kay Jorillo, akmang-akma sa panahon ang photo exhibit at patunay aniya na kayang harapin at lutasin ang mga suliraning dulot ng climate change lalo na at hindi pa huli ang lahat upang kumilos.
Bagamat hindi nakadalo si Presidential Communications Office Press Secretary Jay Ruiz sa pagbubukas ng photo exhibit, nagpadala naman mensahe at pagbati sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Assistant Secretary Eryl Cabatbat.
Sa kanyang panig pinasalamatan ni PPP President Edwin Bacasmas ang pagiging bukas ng pamunuan ng GSIS sa pagsuporta sa adbokasya ng mga photojournalist ng Bansa na naglalayong maitanim sa kaisipan ng mga mamamayan ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan.
Nilahukan ng 39 na photographers kabilang ang 2025 World Press Photo winner na si Noel Celis ang Philippine Climate Crises and Food Security Exhibition na tatagal hanggang Mayo 16 sa GSIS Museum.(Jocelyn Domenden)