Advertisers

Advertisers

‘Sulong Malabon Movement’ todo suporta kay Mayor Lacson-Noel at Cong. Oreta

0 3

Advertisers

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye Lacson-Noel na tumatakbong Mayor at dating Mayor Lenlen Oreta na ngayon naman tumatakbong Congressman ng lungsod.

Sa isang pahayag ng nasabing grupo naniniwala sila na ang pinagsamang liderato ng dalawang lider bilang mayor at congressman ang higit na makakabuti para sa kanilang mga Malabonian.



“Nanindigan kami dapat matuldukan na ang kawalang-direksyon at plano ng kasalukuyang namumuno sa Malabon. Nasaan na ang P400M na inilaan at iniwan ng nakaraang administrasyon upang maisaayos ang Tugatog Cemetery? Matatapos na lang ang termino ng nakaupo ngayon pero halos wala pa din nangyayari. Tuloy walang maayos na mapaglibingan ang mga mahihirap nating mga kababayan,” bahagi ng pahayag ng grupo .

Naniniwala din ang grupo na maraming umano’y anomalya at kapalpakan na kung saan ginagawang pantapal ang mga ayuda mula sa ipinagmamalaking blue card.

Na para sa grupo, maituturing na tila ginagawang manlilimos, patay-gutom at kawawa ang mga Malabonian.

“Noong nakaraang taon, hinanapan ng Commission on Audit (COA) ng P392M ang lokal na pamahalaan at kamakailan lang may P37M na naman na hindi maipaliwanag na gastos, nagdurusa kaming mga taga-Malabon. Daan-daang milyon na ang nasasayang mula sa kaban ng ating lokal na pamahalaan dahil sa kapabayaan at kawalang ng mahusay na pamumuno.” dagdag pa ng grupo.

Binigyang-diin ng Sulong Malabon na mataas ang respeto at paniniwala nila sa dalawa dahil alam nilang lubos itong nagmamahal sa Malabon kaya’t hinimok nila ang mga kapwa Malabonian na bumoto ng tama para sa kanilang mga pamilya at para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.