Advertisers

Advertisers

TWG sa Move It: Itigil ang operasyon sa Cebu at CdO, bawasan ang fleet sa harap ng mga aksidente

0 7

Advertisers

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It — ang motorcycle taxi service na pinatatakbo ng Grab – dahil sa patuloy nitong paglabag sa regulasyon ukol sa fleet limit at kabiguang sumunod sa mandatory reporting rules sa iallim ng motorcycle taxi pilot study.

Sa inilabas na kautusan, inatasan ng TWG ang Move It na itama ang bilang ng kanilang mga rider batay sa inilaan sa kanila ng gobyerno at ihinto ang operasyon sa mga lugar kung saan wala itong pahintulot, partikular sa Cebu at Cagayan de Oro.

Inutusan din nito ang Move It na sumunod sa reportorial requirements sa activation, deactivation, at reactivation ng riders.



Nag-ugat ang parusa sa Show Cause order noong Disyembre 2024 kung saan pinagpapaliwanag ang mga motorcycle taxi company ukol sa alegasyon ng paglabag sa alokasyon ng riders.
Base sa tala na isinumite sa TWG, nakumpirma na pinayagan lang ang Move It na mag-operate ng 6,836 units subalit natuklasang umabot na ang bilang ng rider nito sa 14,662 – mahigit doble sa pinapayagang bilang at itinuturing na “colorum” at labag sa batas.

Nabigo rin ang kumpanya na i-report ang pagpapalit sa estado ng rider, isang mahalagang requirement.

Hindi naman ito itinanggi ng kumpanya.

Ayon sa TWG, ang mga paglabag na ito ay nagresulta sa libu-libong hindi awtorisadong motorcycle taxi sa kalsada.

Nagbabala ang TWG na posibleng patawan ng mas mabigat na parusa ang Move It kung hindi ito susunod sa kautusan, kabilang na ang tuluyang pagkansela ng kanilang permit.



Una nang binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Grab dahil sa polisiya nitong ipasa sa mga driver ang 20% diskwento para sa estudyante, senior citizen, at PWD.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado, isiniwalat ng Philippine Competition Commission (PCC) na umabot na sa ₱86.7 milyon ang multa ng Grab simula 2018, kabilang na ang P16.15 milyon dahil sa paglabag sa pamantayan sa pamasahe at pagkansela ng mga booking.