Advertisers

Advertisers

Umento sa pasahod suportado ng 106 TRABAHO Partylist

0 4

Advertisers

NGAYONG Labor Day, buong suporta ang ipinahayag ng 106 TRABAHO Partylist sa katiyakang binigay ni Presidente Ferdinand “PBBM” Marcos Jr. para sa mga minimum wage earners sa Metro Manila na dinidinig nito ang panawagan para sa umento sa pasahod.

Ayon sa grupo, ito ay mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasanin ng mga pinakaapektadong manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kinumpirma rin ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na nakatakdang magsimula ng wage review ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magtataas ng arawang minimum na sahod sa rehiyon.



Malugod na tinanggap ni 106 TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu ang balita, at sinabing napapanahon ang anumang dagdag sa sahod lalo na’t patuloy ang pagtaas ng gastusin sa Metro Manila.

“Isa itong positibong hakbang para sa ating mga minimum wage earners na matinding tinamaan ng implasyon at mataas na cost of living. Matagal na naming isinusulong ang makatwirang sahod, at ang umentong ito ay isang tamang direksyon,” pahayag ni Atty. Espiritu.

Binanggit din ng 106 TRABAHO Partylist na ang minimum wage ay dapat sumabay sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya. Marami pa rin anilang manggagawa ang hindi sapat ang kinikita upang matustusan ang araw-araw na gastusin, lalo na sa mga lungsod gaya ng Metro Manila.

“Hindi dapat ituring na pabigat sa mga employer ang wage hike na ito kundi bilang isang kinakailangang hakbang upang matulungan ang masisipag na manggagawang Pilipino na mabuhay nang disente,” dagdag pa ni Atty. Espiritu.

Tiniyak ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, ang patuloy nilang pagsusulong ng regular at batay sa ebidensiyang wage review, gayundin ng mga reporma para sa pagkamit ng tunay na living wage para sa lahat ng manggagawang Pilipino.