Advertisers

Advertisers

12 patay sa karambola ng 5 sasakyan

0 7

Advertisers

Tinatayang nasa 12 ang patay at 28 ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan na naganap sa isang bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa probinsya ng Tarlac nitong Huwebes ng tanghali.

Ayon kay Lt. Col. Romel Santos, director ng Tarlac Provincial Police Office, 12:30 ng tanghali nang mangyari ang insidente na kinabibilangan ng Toyota Veloz, 18-wheeler trailer truck; Nissan Urvan; Kia Sonet; at isang Solid North Transit Bus.

Sa report ng Tarlac police force, binangga ng Solid North Transit Inc. na may plate number UVK-941 na minamaneho ni Teodoro Merjan ng Malawa, Lingayen, Pangasinan ang SUV na nasa kanyang unahan na nakapila sa toll plaza.



Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na na nakatulog ang driver ng naturang bus na nagresulta sa aksidente.

Ayon sa ulat, ang bus ang bumangga sa mga sasakyang nakapila sa toll booth.

Karamihan sa mga nasawi mula sa Antipolo, kabilang ang mga magulang ng isang batang lalaki na nakaligtas ngunit naiwan mag-isa.

Agad namang nagpadala ng ambulansya ang Philippine Red Cross (PRC) lulan ang apat na staff para tumulong sa insidente na nangyari sa SCTEX.

Naging pahirapan din ang pagtatanggal sa mga labi ng mga biktima na naipit sa kanilang mga sasakyan.



Samantala, ipinatigil ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng Solid North Transit Inc. nang masangkot ang isa nitong bus sa malagim na banggaan.