Advertisers
HIMAS rehas ang 2 suspek na sangkot sa syndicated estafa sa isinagawang entrapment operation ng PNP- CIDG sa Brgy. Geronimo, Montalban Rizal.
Ang operasyon ay Alinsunod sa direktiba ni PNP Chief PGEN Rommel Marbil na paigtingin ang operasyon laban sa iba’t ibang krimen sa bansa.
Sa ulat ng CIDG, sangkot ang 2 sa pagbebenta ng real state property at mayroong mga maanomalyang transaksyon.
Nangongolekta umano ang mga suspek ng reservation at processing fee sa mga binebentang lupa sa ilalim ng PAG-IBIG financing scheme.
Napag-alaman ng mga awtoridad na hindi umano empleyado at hindi rin konektado sa PAG-IBIG ang mga suspek.
Pinag-iingat ng CIDG ang publiko sa mga pekeng ka-transaksyon.