Advertisers
Nasawi ang dalawang pangunahing lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na kinilalang sina Reniel Locsin Cellon at Charity Amacan at 5 nilang miyembro sa isang engkuwentro sa mga tropa ng Philippine Army sa Kabankalan City.
Kinumpirma ng Negros Occidental Police na wanted ang dalawa sa maraming kaso ng pagpatay.
Si Cellon, dating komandante ng Southwest Front, ay may apat na arrest warrant para sa pagpatay at direktang pag-atake, habang si Amacan, dating kalihim ng Southeast Front, ay may 11 warrant.
Ang pagkamatay ni Cellon at Amacan, pati na rin ng lima pang rebelde, itinuturing na isang malaking hakbang para sa paghahatid ng hustisya para sa mga biktima.
Iniulat ng Philippine Army na ibinalik ang katawan ni Amacan, 61, sa kanyang pamilya sa Escalante City.
Kasalukuyang ni-re-validate ng pulisya ang mga criminal record ng iba pang nasawi.