Advertisers

Advertisers

Bong Go, Duter-TEN tuloy ang arangkada

0 6

Advertisers

Nakuha ni Senator Christopher “Bong” Go ang solong unang puwesto sa April 2025 Stratbase-SWS senatorial survey at napanatili ang pangunguna sa pinakabagong resulta ng OCTA Research.

Bukod dito, lumalaki at lumalakas din ang suporta ng publiko sa “Duter-TEN” slate na ineendorso ni dating Pangulong kay Duterte para sa halalang 2025.

Batay sa SWS survey mula Abril 11 hanggang 15, nakakuha si Go ng 45% suporta ng respondents—mula sa 42% noong Marso at 38% noong Pebrero.



Sa April Tugon ng Masa survey ng OCTA, muling nanguna si Go sa naitalang 64.2%, mula sa 58% noong Enero.

Ang pataas na trajectory na ito ay nagpapatunay sa posisyon ni Go bilang pinakapinapaborang kandidato sa mga pangunahing survey.

Itinatampok din nito ang pagiging epektibo ng kanyang mga programa na nakatuon sa kalusugan at patuloy na presensya sa local community bilang tagapangulo ng Senate committee on health.

Sa parehong mga survey, ang mga miyembro ng Duter-TEN ay umaarangkada rin at nagpapakita lumalaking suporta ng mga botante.

“Sa nalalabing higit isang linggo bago ang halalan, patuloy kong hinihikayat ang ating mga mamamayan na suportahan ang aking mga kasamahan sa Duter-TEN senatorial slate upang masigurong maipagpapatuloy natin ang magagandang pagbabagong nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,” sabi ni Go.



Sinabi ni Go na ang panalo ng Duter-TEN candidates ay panlo ng Pilipino.