Advertisers

Advertisers

Conviction sigurado… ‘SARA, SIRA!’

0 26

Advertisers

NANINIWALA si Atty. Lorna Kapunan Conviction na siguradong mako-convict si Vice President Sara Duterte sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa pagiging lutang o ” buang ” nito

Ani Kapunan, malabong malusutan ni VP Sara ang nakapaloob sa articles 7 ng impeachment complaint, ” The totality of respondent’s conduct as Vice President ” na kung saan ay mistulang laging lutang ito at nawawala sa sarili.

Iginiit ni Kapunan na alam niya ang kilos at gawa kung ang isang tao ay baliw o crazy, “I know what’s crazy looks like… and it looks like that, “, diin nito.



Aminado rin si Kapunan sa may dysfunctionality kay VP Sara, ito ay dahil na umano sa pinagdadaanan nito at pagkakaroon ng disfunctional family.

Binigyang-diin ni Kapunan na sa loob ng 47 taon ng kanyang practice bilang isang court litigation lawyer, ang nilalaman ng articles 7 ang pagkakaroon ng “fitness” para sa pagiging isang public officials na malinaw nilabag ni VP Sara.

“When you when you have an out of body experience what the word you called lutang,” ani Kapunan sa isang panayam.

Bukod dito, sinabi pa ni Kapunan ang pagkakaroon din ng kanilang dis agreement mag-amang Duterte ay lubhang nakakaapekto sa kanyang pagkatao ni VP Sara.

Dahil dito, naniniwala si Kapunan na hindi na karapat-dapat pa sa kanyang puwesto si VP Sara.



Gayundin, tinukoy ni Kapunan ang ginawang pahayag ni VP Sara nang tumayo sa entablado sa isang kampanya na kung saan ay tinukoy nito ang tatlong katangian ng lider na dapat iboto ng taong bayan. Una, hindi ito isang entertainment o sumasayaw; ikalawa, hindi ito nagbabayad o nagbibigay ng pera at ikatlo, hindi awtomatikong dapat na iboto ang isang kandidato na inindoso ng isang ma-impluwensyang tao.

At lahat ng tinuran ni VP Sara ay mismong tumutukoy at naglalarawan sa mga kandidatong kanyang iniendorso na nagpapakita na kawalan ng tamang pag-iisip.