Advertisers
TODO-SUPORTA si dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla kay Cong. Stella Quimbo na ngayo’y tumatakbo bilang alkalde ng Marikina.
Sa isang video online, dinepensa ni Medalla si Quimbo laban sa mga patutsada tungkol sa kongresista na front-runner sa labanan sa pagka alkaldr: “Matagal na siyang may pera—bago pa naging politiko.”
“She had money long before she became a politician,” ani Medalla. “Noong professor pa siya, maganda na ang consulting income niya—mas malaki pa sa sahod niya sa UP. Magaling kasi siya eh, respected sa field, kaya malaki ang kita.”
Dagdag pa ng dating BSP chief, hindi raw dapat gawing isyu kung maganda ang gamit ni Quimbo. “Hindi masama para sa isang tao to have a few luxuries now and then. The fact na maganda ang bag niya should not be taken against her.”
Pinuna rin ni Medalla ang dobleng pamantayan sa pagtingin ng publiko sa mga babae. “I find it very sad that kung lalaki may bling-blings at magandang relo, walang tanong. Pero pag babae may magandang bag, issue agad. As far as I know, her integrity is quite high. I’m almost 100% sure kinita niya ’yon.”
Si Quimbo ay isang PhD holder sa Economics, dating professor sa UP School of Economics, at dating Commissioner ng Philippine Competition Commission. Sa Kongreso, kilala siya sa mga batas na tumutugon sa usapin ng ekonomiya, ayuda, at pondo sa kalusugan.
Ngunit ngayon, handa na umano siyang tumulong direkta sa Marikina, lalo’t nababahala siya sa lumalalang utang ng lungsod.
“Hindi sapat ang mabuting intensyon kung kulang sa kakayahan,” ani Quimbo.
“Marikina needs a mayor who can be both a fiscal watchdog and an economic strategist. Someone who understands numbers, but more importantly, knows how to turn numbers into real programs for people,” sinabi pa ni Quimbo.
Sabi naman ni Medalla, bagay na bagay si Quimbo sa trabaho. “Stella is very analytical. She’ll know if a proposal is cost-effective or not, kung totoo ang benefit sa tao. Importante ’yan sa isang mayor—kasi di lang ito leadership sa pakiramdam. Kailangan may talino rin sa pera, sa budget, at sa long-term planning.”
At kahit hindi umano siya taga-Marikina, may mensahe si Medalla para sa mga botante: “Hindi ako taga-Marikina, pero masasabi ko sa mga taga-Marikina: magpapalad kayo na may taong tulad ni Stella na gusto maging mayor ng inyong siyudad.”