Advertisers

Advertisers

Mayor Malapitan nangunguna pa rin sa SWS survey

0 7

Advertisers

Ilang linggo bago ang 2025 Local Elections, napanatili ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang pangunguna sa kagustuhan ng mga botante para sa pinakamataas na puwesto sa lungsod ng Caloocan laban kay Dating Senador Antonio Trillanes IV, base na rin sa kamakailang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Para sa Abril 2025, nakakuha si Malapitan ng 82 porsiyento ng kabuuang preference ng mga botante laban sa 14 porsiyento ni Trillanes.

Pareho ang nasabing resulta sa istatistika sa survey noong Marso 2025 dahil sa margin of error kung saan nakakuha ang una ng 85 percent kumpara sa 10 percent ng huli.



Patuloy na nagpapakita ang mataas na preference ratings ng kalakaran na itinatag ng mga nakaraang survey na iniuugnay sa pagtutok ni Malapitan sa isang grassroots at policy-based na kampanya at sa malakas na tiwala ng kanyang mga nasasakupan na ipagpapatuloy nito ang magagandang programa na kanyang ipinatupad sa kanyang unang termino bilang alkalde ng lungsod.(BR)