Advertisers

Advertisers

PBBM ‘di nababahala sa bantang impeachable offense ang pagsuko ng gobyerno kay Digong sa ICC

0 5

Advertisers

HINDI nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na maituturing na “impeachable offense” ang naging hakbang gobyerno na isuko si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na hindi nakikipagtulungan ang gobyerno sa ICC dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas at hindi na ito miyembro sa Rome Statute.

No comment naman ang Malakanyang sa posibilidad na humina ang kaso laban kay Duterte dahil sa paulit-ulit na pahayag ng administrasyon na hindi makikipagtulungan sa ICC.



Binigyang diin ni Castro na kahit walang inilabas na sulat ang pangulo na nagsasabing poprotekahan si Duterte sa banta ng ICC, ay tiyak na hindi pa rin makikialam ang gobyerno sa mandato ng international court.

Tugon naman ito ng Palasyo sa inihaing mosyon ng mga abogado ni Duterte sa ICC na humihiling na ibasura ang mga reklamo laban sa kaniya dahil sa kawalan ng legal na basehan, at pagbanggit sa umano’y liham noon ni Pangulong Marcos na hindi makikipagtulungan sa ICC.