Advertisers
TUGUEGARAO CITY — Hindi mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos ang matinding balita na mukhang MAYOR JEFFERSON SORIANO IS BACK! At hindi lang basta nagbabalik—GRAND COMEBACK ang peg! Natalo si Soriano ni Maila Ting-Que noong 2022 pagtapos nito mamuno ng siyam na taon, si Maila ang kauna-unahang babaeng Mayor ng lungsod.
Dinadagsa ng napakaraming taga-suporta gabi-gabi para sa kampanya ni Mayor Soriano, na muling tumatakbo para sa puwesto ng pagka-Mayor.
“Iba talaga nung si Soriano ang nakaupo…malalapitan at makatao!” sigaw ng isang taga-suporta mula Barangay Carig.
Sa init ng araw at init ng emosyon, walang makakapigil sa mga loyalista ni Soriano. Lahat gustong makita at marinig ang bagong plataporma nito.
Kahit init, hindi naging hadlang. Ayon sa mga tsismis, may dumadayo pa raw mula Ilocos at Isabela, bitbit ang paniniwalang si Soriano ang mas karapat-dapat mamuno sa Tuguegarao City.
Kaya naman ang kalabang pulitiko ang napa-iling at panay parinig sa social media tungkol sa ang alyansang Team Tuguether ni Jefferson Soriano.
Walang duda—mainit na naman ang pulitika sa Tuguegarao! At kung ganito ang simula, paano pa kaya ang susunod?
Abangan kung magkaka labasan na ba ng baho sa susunod na linggo?