Advertisers

Advertisers

Paglinang ng karunungan, dapat umpisahan sa Day Care — Mayor Abby

0 6

Advertisers

Inihayag ni senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na hindi dapat ginagawang tagapangalaga lang ng mga bata ang day care centers habang nagtatrabaho ang kanilang mga magulang.

Aniya, kailangang may curriculum na sinusunod ang day care workers, bukod sa maayos na kagamitan, upang maaga pa lang ay nagsisimula nang matuto ang mga bata.

Ito ang naging tugon ni Binay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mahigit 18 milyong Pilipinong nagtapos ng junior and senior high school ang “functionally illiterate” noong 2024.



Ibig sabihin nito, hindi sila pumasa sa bagong pamantayan ng functional literacy na itinakda ng PSA.

Sinabi ni Binay na dapat umpisahan ang edukasyon ng kabataan sa day care at may kaukulang curriculum na sinusunod ang kwalipikadong child development workers. Ito naman ay nakasaad sa Early Childhood Care and Development o ECCD Act na isinabatas noong 2000.

Aniya, mas mabuti itong gawin dahil kalaunan ay mahihirapan nang makahabol ang mag-aaral at magiging huli na ang anumang hakbang ng Department of Education, tulad ng ipinapakita ng bagong PSA report.

Dagdag pa ni Binay, dapat mas unahin ang pagtuturo sa mga bata simula sa day care, sa Kindergarten, at Grade 1. Sa ganitong paraan, marunong na ang mga batang magbasa at naiintindihan din ang kanilang binabasa pagdating ng Grade 3.

Kung hindi, mahihirapan na silang makasabay sa mga mas advanced na leksyon sa mga susunod na baitang, bigay-diin ni Binay.



Sakop ng ECCD Act of 2000 o Republic Act No. 8980 ang health, nutrition, early education, at social services mula kapanganakan hanggang sa edad na apat na taon. Pinalakas naman ng The Early Years Act of 2013 o R.A. No. 10410 ang ECCD system sa pagtakda ng age range mula 0 hanggang walong taon bilang crucial developmental stage.

Sa Makati, pinalakas ni Binay ang ECCD sa paglulunsad ng mga natatanging programa. Kabilang dito ang pre-kindergarten program para sa apat hanggang limang taong gulang na mga bata na hindi pa pwede sa Kindergarten. Sa tulong ng mga kagamitan at kwalipikadong day care workers, natututunan nila ang mga kinakailangang social skills, basic hygiene at preparatory skills set para maging handa sila sa formal schooling.

Ipinapatupad din ng Makati ang feeding project na nagbibigay ng libreng masustansyang miryenda sa libo-libong estudyante ng public elementary schools sa Makati, ang Project MILES (Mathematics Intensive Learning Enhancement for Students) na layong paghusayin ang kakayanan sa Math ng mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 10, at ang pagbibigay ng monthly stipend na P1,500 sa mga kwalipikadong mag-aaral na naka-enroll sa Special Science and Math Curriculum sa piling public elementary at high schools.