Advertisers

Advertisers

16-0 VICTORY NG ‘TEAM TULOY ANG PROGRESO TIYAK NA

0 3

Advertisers

WALANG duda ang pagtala ng panibagong kasaysay sa larangan ng local politics ng tinaguriang ‘Team Tuloy ang Progreso’, na kilala rin bilang “The Red Team” ng Valenzuela, sa napipinto nitong pagsungkit ng 16-0 victory sa nalalapit na May 12 elections.

Taglay ang matatag na suporta nina Senator Sherwin Gatchalian at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, na kapwa naging alkalde ng naturang lungsod, inaasahan na muling makokopo ng Team Tuloy ang Progreso ang lahat ng elective positions, na mula city mayor, vice mayor, congressional at city council seats kapwa sa first at second district ng Valenzuela City.

Patunay dito ang pagiging ‘unopposed’ ni incumbent City Mayor Weslie “Wes” Gatchalian para sa kanyang ikalawang termino habang sina Congressional candidates Kenneth Gatchalian ng District 1 at Dra. Katherine Martinez ng District 2 ay kapwa nakapagtala ng malaki at hindi matatapatang kalamangan sa kani-kanilang katunggali pagdating sa voter’s confidence sa iba’t-ibang local surveys na isinagawa ngayong panahon ng kampanyahan.



Si Vice Mayor candidate Marlon “Idol” Alejandrino naman inaasahan din ang panalo, ang pagsalo sa iiwanang posisyon ni three-term Vice Mayor, at ngayo’y District 2 Councilor candidate Lorie Natividad-Borja.

Sa hanay ng mga kandidato sa city councilor seat, napipinto rin ang panalo nina District 1 bets Coun. Bimbo Dela Cruz, Coun. Ghogo Deato Lee, Coun. Cris Feliciano, Coun Enriquez, Kagawad Kisha Ancheta at Former SK Fed. President Goyong Serrano.

Gayundin sa District 2 nina Coun. Chiqui Carreon, Coun. Louie Nolasco, Coun. Mickey Pineda, Coun Sel Sabino Sy, Coun. Nina Lopez, Coun Lorie Natividad Borja.

Pangunahing isinusulong ng Team Tuloy ang Progreso ang ibayo pang pagpapaunlad ng Lungsod ng Valenzuela, pagkakaroon ng epektibong pamamahala na ramdam ng bawat Valenzuelanos.

Tinitiyak din ng lahat ng bumubuo sa The Red Team ng Valenzuela na sa pamamagitan ng kanilang highly qualified ay maraming pang mabubuting bagay na aasahan ang kanilang nasasakupan sa pagtupad ng tungkulin at responsibilidad nila.



Kasabay, dinomina ng TODA Aksyon Partylist, na numero 108 sa balota, ang ‘choice for partylist’ sa Valenzuela City kung saan ang first nominee nito ay si former Valenzuela City 1st. Dist. Councilor Rovin Feliciano.

Pangunahing isinusulong ng TODA Aksyon Partylist ang pagpapabuti sa kabuhayan ng lahat ng tricycle drivers at operators, at isinusulong din nito ang pagkakaloob ng full college scholarship with allowance sa kahit isa sa bawat ordinaryong pamilyang Pilipino.