Advertisers

Advertisers

17 lugar sa bansa umabot sa ‘danger level’ ang heat index — PAGASA

0 2

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na umabot sa danger level ang heat index sa 17 lugar sa bansa nitong Linggo, Mayo 4.

Ayon sa ulat ng weather bureau, ang heat index ay pumalo mula 42°C hanggang 44°C, na kabilang sa “danger level” kung saan may banta ng heat stroke, lalo na kung magtatagal sa ilalim ng sikat ng araw.

Pinakamainit na lugar na may 44°C temperature:
Aparri at Tuguegarao City, Cagayan
43°C temperature:
NAIA (Pasay), Bacnotan (La Union), Iba (Zambales), Subic (Olongapo), Camiling at Luisita (Tarlac), Tanauan (Batangas)
42°C temperature:
Quezon City, Laoag, Batac, Dagupan, Tayabas at Alabat (Quezon)



Payo ng state weather bureau umiwas sa matagal na exposure sa araw, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng preskong damit upang maiwasan ang heat-related illnesses gaya ng heat exhaustion at heat stroke.