Advertisers

Advertisers

Baseco at Malate pinailawan nina Mayor Honey at Cong. Tieng

0 7

Advertisers

MAGKATUWANG na pinailawan ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna at tanggapan ni fifth district Congressman Irwin Tieng ang mataong lugar ng Baseco at Malate upang makapagdulot ng seguridad at kaligtasan para sa mga mamayang dumadaan sa nasabing lugar tuwing Gabi.

Pareho ding pinasalamatan nina Lacuna at Tieng sina President Ferdinand Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez kung saan kapwa sinabi ng dalawa na palagiang nakasuporta sa lahat ng proyekto na layuning makatulong sa mamamayan ng Maynila.

Ginawa ng alkalde at kongresista ang pasasalamat sa Pangulo at kay Romualdez matapos na pangunahan ang pormal na pagpapasinaya sa sa bagong seawall, installed concrete bored piles at solar-powered street lights sa Baseco, kung saan sinabi ng lady mayor na: “Hindi ito basta lighting lamang dahil nilagyan din natin ng seawall para hindi kainin ng dagat ‘yung lupa.”



“Isang makasaysayang araw ang ating pinagsasaluhan sa pormal na pagpapasinaya ng mga proyektong tunay na magdudulot ng seguridad, liwanag, at katatagan sa ating komunidad dito sa Baseco Compound,” saad pa ni Lacuna at idinagdag din na ang pagpapailaw ng mga kalye sa Maynila ay bahagi ng commitment ng lungsod na mapanatili ang pangkalahatang peace ang order.

Nagpasalamat din si Lacuna kay Tieng sa aktibong pagsuporta sa kanyang administrasyon at mga programa at sinabing ang mga makabuluhang proyekto na nagdudulot ng kapakinabangan sa mga Manileño ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng partnership ng local at national. Binanggit din ng alkalde na instrumental si Tieng sa rehabilitasyon ng San Andres Complex, Lagusnilad, at iba pa.

Para sa kanyang bahagi, ipinahayag ni Tieng ang kanyang patuloy na commitment kay Lacuna at binanggit din nito ang suporta nina President Marcos, Jr. at Speaker Romualdez. Pinasalamatan din niTieng si DPWH District Engineer Bryan Briones sa tulong nito.

Ayon kay Lacuna ang mga proyektong kanilang pinasinayaan ay mga kongkretong ebidensya na hindi na kailangan ng lokal na pamahalaan na magkautang ng malaki para maisagawa ang mga proyekto dahil nariyan ang suporta ng mga ka-alyansa sa Congress kung saan trinato na niya bilang pamilya at napatunayang napakaepektibo.

“Ang mga proyektong ito ay patunay ng ating pagkakaisa at pagtutulungan upang mas mapabuti ang buhay ng bawat mamamayan,” pahayag ng lady mayor.



Kaugnay nito, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at fifth district Councilors Charry Ortega at Boy Isip, pinangunahan nina Lacuna at Tieng ang inagurasyon at pagbabasbas ng bago, solar-powered street lights sa San Marcelino Street mula Pedro Gil hanggang Quirino Avenue sa Malate.

Sinabi ni Lacuna na Ang nasabing proyekto ay mga nahahalagang hakbang tungo sa mas maliwanag at mas ligtas na komunidad, dahil ang kadiliman ay laging kakampi ng mga kriminal na elemento.

Ipinahayag din ni Tieng ang kagustuhang tumulong sa lahat ng oras, at idinagdag na ang Baseco ay isang reclaimed area at kinakain ng tubig ang lupa kaya naman ang seawall project na kanilang pinasinayaan ang siyang magsisilbing pananggalang ng mga nakatira sa nasabing lugar, habang ang mga Ilaw ang siyang magbibigay at kaligtasan sa mga residente ng Baseco. (ANDI GARCIA)