Advertisers
UUMPISAHAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa National Capital Region (NCR) pagkatapos ng halalan o sa Mayo 13.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, target ng P20 Rice Project na mapakinabangan ng humigit-kumulang 400,000 pamilya sa NCR.
Sa Mayo 13, ang bigas na nagkakahalaga ng P20 kada kilo ay unang ibebenta sa Quezon City, gayundin sa mga lungsod ng Pasay, Mandaluyong, Las Piñas, Caloocan, at Navotas sa ilalim ng Kadiwa program ng DA.
Dagdag pa ni Guevarra, layunin din ng DA na makipag-partner sa iba pang mga retailer upang mapalawak pa ang saklaw ng programa.