Advertisers

Advertisers

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak sa payout event sa Marikina

0 2

Advertisers

NAGLUKUKSA ang isang ina sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo sa Marikina Sports Center.

“Ang pinakamasakit po nito para sa akin, dapat ang anak ko ang maglilibing sa akin balang araw—pero ngayon, ako ang maglilibing sa kanya. Kahit hindi ko man laging nasasabi, pinaramdam naman namin sa iyo kung gaano ka namin kamahal,” sabi ng ina ng biktima.

“Mahal na mahal ka talaga namin. Wala namang magulang na hindi nagmamahal sa anak. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari,” dagdag pa niya.



Naalala rin ng ina kung paano siya niyakap ng kanyang anak nang mahigpit isang araw bago ito pumanaw — isang bagay na matagal na nitong hindi ginagawa.

“Kahapon lang, niyakap ako ng anak ko nang mahigpit. Sabi niya, ‘Mama, mahal na mahal kita.’ Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pagkikita,” wika pa ng ina.

Kinumpirma ng Marikina City Police ang pagkasawi ng biktima, na residente ng Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Batay sa inisyal na ulat, maagang pumila ang biktima sa payout site kasama ang kanyang live-in partner bandang alas-7 ng umaga. Pagsapit ng alas-4:10 ng hapon, nakaranas siya ng hirap sa paghinga at nawalan ng malay sa lugar.

Dinala siya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) at idineklarang patay ng mga doktor bandang alas-5:09 ng hapon.



Ginawa ng pulisya ang kumpirmasyon kasunod ng mga naunang ulat sa social media na ang biktima’y namatay dahil sa atake sa puso dulot ng labis na pagod at init.

Ayon sa mga saksi, hindi agad nabigyan ng atensyon ang biktima dahil mas inuna umano ng mga coordinator ni Quimbo ang pagpigil sa mga tao na magvideo ng insidente.

Sa isa pang video, makikita ang mahabang pila ng mga residente habang nakabilad sa matinding init ng araw sa labas ng Marikina Sports Center.