Advertisers

Advertisers

‘KISSING AUCTION’ NG PARAYNO SA URDANETA CAMPAIGN, INALMAHAN NG GABRIELA

0 9

Advertisers

Inalmahan ng grupong Gabriela ang “kissing auction” nina Urdaneta City Pangasinan Mayor Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno sa isang matandang babae. Sa video, sinabing bibigyan ng ilang libong pisong premyo ang matandang babae kapalit ng paghahalik kay Vice Mayor Parayno.

“We are outraged by this reprehensible display where local officials essentially ‘auctioned off’ an elderly woman’s dignity for their entertainment and the crowd’s amusement,” pahayag ni Gabriela Secretary-General Clarice Palce.

Ayon sa grupong Gabriela sa campaign rally ng mga Parayno, tinawag ang isang matandang babae sa stage at sinimulan ang bidding war. Sinimulan ang premyo ng P1,000 hanggang sa umabot ng P5,000 ang premyo.



Itinuturing ito ng organizer ng rally na charity.

“Ang tunay na pagtulong at malasakit ay walang kondisyon. Pagsasamantala umano ang tawag sa ginawang pagpapahalik sa isang lola kapalit ng pinansyal na tulong,” pahayag ni Palce.

Samantala sa press statement ng Gabriela sinabi ng womens group na nakababahala aniya ang ganitong insidente dahil nayuyurakan umano ang dignity ng isang babae.

“These are not isolated incidents but symptoms of a deeply entrenched culture that views women as mere objects rather than human beings deserving of respect and genuine service,” Palce explained. “Sa panahon man ng eleksyon o hindi, kailangan bantayan at tutulan ang ganitong uri ng pambabastos at pang-aabuso sa kababaihan,” pahayag ni Palce.

Kaugnay nito Hihinikayat ng Gabriela ang Commission on Elections na aksyunan ang kaso ng mga Parayno.



“Government officials and aspirants must be held to the highest standards of respecting women. Nakakagalit ang ganitong bastos at mapagsamantalang pagtrato sa kababaihan, sa halip na maghapag ng mga solusyon sa kahirapang dinaranas ng maraming Pilipino,” pahayag ni Palce.

Samantala, iginiit ni Palce na dapat na palakasin pa ang women’s representation sa pulitika at governance para maitaguyod ang kapakanan ng mga kababaihan.(Boy Celario)