Advertisers
UMABOT na sa sampung libong hinihinalang trolls ang na-monitor ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa PCG, sangkot ang mga troll na ito sa pagpapahayag ng oposisyon sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni PCG Spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela, nasa isanlibo lamang ang kanilang naitala nang simulan nila ang pag-monitor sa mga troll na ngayon ay tumaas na aniya ng sampung beses.
Paliwanag ni Commodore Tarriela, nahahati sa tatlong lebel ang mga troll, kabilang dito ang influencers o initiators, disseminators, at reposters.
Kabilang aniya sa mga ipinakakalat ng mga nasabing keyboard warrior na pinangungunahan ng Amerika ang laban ng Pilipinas para sa WPS.