Advertisers

Advertisers

Top 1 most wanted sa gitnang Luzon, arestado

0 3

Advertisers

Dahil sa pinaigting na man hunt operation ng mga awtoridad nadakip na nila ang Top 1 most wanted person sa kahabaan ng Bonifacio St., Barangay Población, sa bayan ng Sta. Maria nitong Mayo 2 2025.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. BGen.Jean S.Fajardo mula kay OIC Bulacan Dir. P/ Col. Franklin Estoro, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Intoy 59 anyos, vendor ng San Matthew St., Brgy. Fatima IV, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Dinakip si alyas Intoy, na top-1most wanted sa region 3 sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no. 827-M-2025 sa kasong Murder..



Na una ng inilabas ni branch 120 RTC Presiding judge Hon. Lyn L. Llamasares-Gonzales, nito lamang Marso 28 kung saan walang piyansang inrekuminda ang korte para sa kanyang kalayaan.

Samantala tiniyak ni Col. Estoro, ang kaligtasan ng publiko at nananatiling handa at gising ang hanay ng PNP lalo na ngayon na nalalapit na ang midterm Election.

Kaugnay nito’y detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail.(Thony D Arcenal)