Advertisers

Advertisers

Comelec, nasa 95% na ng paghahanda para sa Mayo 12 election

0 5

Advertisers

INIHAYAG ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia nasa 95% na ang kahandaan ng poll body pagdating sa mga paghahanda para sa eleksyon.

Ayon kay Garcia, magpahanggang ngayon, may mga tinatapos at inaayos pa rin sila kahit na isang linggo na lamang bago ang halalan.

Dagdag pa ni Garcia, sa pagpapatuloy ng Final Testing and Sealing (FTS) ngayong linggo, wala pa aniya silang naitatala na technical issue na nararanasan ng mga electoral board members.



Wala pa namang Automated Counting Machines (ACMs) ang hindi tumanggap ng mga balota. Ang final testing and sealing ay magtatagal hanggang Mayo 7.

Kaugnay pa nito, inaasahan din ngayong linggo na matatapos na ang distribution ng mga balota sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil magsisimula na rin itong ipamahagi sa mga guro para sa eleksyon.