Advertisers

Advertisers

Mandatory drug testing sa mga PUV drivers ipatutupad ng DOTr

0 11

Advertisers

IPINAG-UTOS ng Department of Transportation (DOTr) na sumailalim ang lahat ng Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa ‘mandatory drug testing’.

Ang kautusan na ito ay kasunod na rin ng insidente na nangyari sa SCTEX kung saan tumangging magpa-drug test ang driver ng Solid North.

Sa pulong balitaan nitong Lunes, ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, gagawin nilang regular ang mandatory drug testing at hindi lamang kapag kukuha ng lisensya o kahit magrerenew ng lisensya.



Suhestiyon pa ni DOTr Sec. Dizon na gawin ito bawat 90 na araw para mas masuri pa talaga ang mga drivers. Aniya, makatutulong nila sa pag-iimplenta nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Samantala, planong iimplementa na rin ng ahensya kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang pagbawas ng maximum driving hours ng mga pampasaherong bus.

Mula anim na oras, ito ay magiging apat na oras na.

Ibig-sabihin, kapag ang byahe ay lagpas na ng apat na oras, dapat may kapalitan na ang driver.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">